FTA ng Tsina at Serbia, pormal na umiral

2024-07-02 14:33:55  CMG
Share with:

Pormal na sinimulan Hulyo 1, 2024 ang pagpapairal ng kasunduan ng malayang kalakalan (FTA) ng Tsina at Serbia.

 

Sa seremonya ng pagsisimula ng FTA, ipinahayag ni Tomislav Momirovic, Ministro ng Kalakalang Domestiko at Panlabas ng Serbia, na ang pagpapairal ng FTA ay hindi lamang nagpapalawak ng bilateral na kalakalan, kundi nagpapasulong din ng kooperasyon ng pamumuhunan at integrasyon ng kadena ng industriya ng kapuwa bansa.

 

Sinabi ni Li Ming, Embahador Tsino sa Serbia, na ang FTA ay ganap na nagpapakita ng mataas na antas ng pulitikal na tiwala sa isa’t isa at “bakal na pagkakaibigan” sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ayon sa pahayag, nilagdaan ng dalawang bansa ang FTA noong Oktubre 17, 2023.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil