Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), pinasinayaan Hulyo 1, 2024 (lokal na oras) sa New York, punong himpilan ng United Nations (UN) ang seremonya ng pagsisimula ng espesyal na eksbisyong “Diyalogo ng Sibilisasyon” sa UN.
Dumalo rito ang mga pirmihang kinatawan ng mga bansang gaya ng Britanya, Pransya, Switzerland, Hungary, at Peru, at mga mapagkaibigang personahe mula sa iba’t-ibang sektor.
Sa kanyang nakasulat na mensahe, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na ang buong pagkakaisang pagpapatibay ng ika-78 pangkalahatang asemblea ng UN ng resolusyong iniharap ng Tsina tungkol sa pagtatatag ng Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo at pagtiyak ng Hunyo 10 bilang Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo, ay lubos na nagpapakitang malawakang suportado ng komunidad ng daigdig ang Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.
Inihayag ni Shen na bilang makabago at pangunahing media sa daigdig, buong sikap na isusulong ng CMG ang inobasyong may “kaisipan+sining+teknolohiya” upang ihatid ng mabuti ang mga makukulay na kuwento tungkol sa sibilisadong diyalogo.
Ipinahayag ni Fu Cong, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, na nahaharap ang kasalukuyang daigdig sa mga hamon at banta, kaya lubos na kailangang patingkarin ng iba’t-ibang bansa ang papel ng sibilisadong diyalogo.
Dagdag niya, sa hinaharap, patuloy na makakapagbigay ang Tsina ng karapat-dapat na ambag para sa pagpapasulong ng progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Ipinaabot naman ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang pasasalamat sa pagtataguyod ng CMG ng naturang eksbisyon sa UN.
Ipinagdiinan niya na sa diyalogo ng iba’t-ibang sibilisasyon, masusing papel ang ginagampanan ng media, bagay na puwersang nakakapagpasulong sa pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Ipinahayag ni Mher Margaryan, pirmihang kinatawan ng Armenia sa UN, na ipinakikita ng Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo ang dibersidad ng sibilisasyon ng buong mundo.
Dapat kapit-bisig na magsikap ang komunidad ng daigdig upang resolbahin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Bukod pa riyan, magkakasunod na ipinadala ng mga diplomata ng iba’t-ibang bansa ang mensahe bilang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng aktibidad.
Ipinahayag nilang sa ilalim ng nagbabagong kayariang pandaigdig, napapanahon at napakahalaga ng sibilisadong diyalogo upang mapawi ang diskriminasyon at mapasulong ang pag-uunawaan.
Salin: Lito