Buong pagkakaisang pinagtibay Hulyo 1, 2024, sa ika-78 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA), ang iminungkahing resolusyon ng Tsina at magkakasama itong itinaguyod ng mahigit 140 bansa, hinggil sa pagpapahusay ng internasyonal na kooperasyon sa pagtatatag ng kakayahan ng artificial intelligence (AI).
Binigyan-diin ng resolusyong “Enhancing International Cooperation on Capacity-building of Artificial Intelligence” na ang pag-unlad ng AI ay dapat sumunod sa “mga prinsipyo ng pagiging nakasentro sa tao” upang itaguyod ang kapaki-pakinabang na katalinuhan at benepisyunan ang sangkatauhan.
Layon ng resolusyon na makamit ang inklusibo, benepisyal at sustenableng pag-unlad ng AI para bigyang-ambag ang realisasyon ng United Nations' 2030 Agenda for Sustainable Development.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil