Inagurasyon ng pangulo ng Panama, dinaluhan ng espesyal na sugo ni Xi Jinping

2024-07-02 15:41:46  CMG
Share with:

Panama City, kabisera ng Panama – Sa paanyaya ng pamahalaan ng Panama, dumalo Lunes, Hulyo 1, 2024 si Yu Jianhua, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping at Ministro ng Pangkalahatang Adminsitrasyon ng Adwana ng Tsina, sa inagurasyon ni Pangulong Jose Raul Mulino ng Panama.

 

Sa maikling pagtatagpo nila ni Pangulong Mulino sa panahon ng inagurasyon, inihayag ni Yu na nitong nakalipas na 7 taon sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, mabilis na umuunlad at mabungang mabunga ang relasyong Sino-Panama, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Kasama ng Panama, nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang tuluy-tuloy at malalimang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Saad naman ni Mulino, lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at nakahandang ibayo pang palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil