Aktibidad ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Kazakhstan, itinaguyod ng CMG

2024-07-03 14:30:16  CMG
Share with:

Sa sidelines ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kazakhstan, itinaguyod kahapon, Hulyo 2, 2024 sa Astana ng China Media Group (CMG) ang “Mountains and Rivers Connect to Create a New Chapter,” isang aktibidad ng pagpapalitang kultural at tao-sa-tao ng dalawang bansa.

 

Sa aktibidad na ito, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na palagiang nagsisikap ang CMG para pasulungin ang pagpapalitang kultural at tao-sa-tao ng dalawang bansa.

 

Nagpadala naman si Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan ng mensaheng pambati sa aktibidad na ito.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy niya na nagsisilbi ang aktibidad na ito bilang balangkas sa ilalim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at may espesyal na katuturan ito.

 

Aniya, ang pagpapalagayan ng mga mamamayan at pagpapalitang kultural ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pagtatatag ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Sinimulan sa aktibidad na ito ang pagsasahimapapawid ng dokumentaryo na magkasamang kinuha ng CMG at Ministri ng Turismo at Palakasan ng Kazakhstan.

 

Kabilang rito ang paglalagda ng CMG at Eurasian National University ng Kazakhstan ng memorandum of cooperation para pasulungin ang inobasyon ng teknolohiya ng media, pananaliksik na akademiko at pagpapalitan ng think tank.

 

Dumalo rin dito ang halos 100 mataas na opisiyal ng Kazakhstan, diplomatang Tsino at mahalagang kinatawan ng sektor ng komersyo, media at akademiya ng bansang ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil