Xi Jinping, dumalo sa pulong ng “SCO+”

2024-07-04 21:33:42  CMG
Share with:

Dumalo Hulyo 4, 2024 sa Astana, Kazakhstan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong ng “SCO+.”


Ipinahayag ni Xi na dapat pahigpitin ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pangangasiwa ng bansa at idaos ang porum ng mga partido sa angkop na panahon.


Saad pa niya na winewelkam ng Tsina ang paggamit ng iba’t ibang panig ng Beidou satellite system at paglahok sa konstruksyon ng pandaigdigang istasyon sa buwan.


Imininungkahi rin ni Xi na itakda ang taong 2025 bilang taon ng sustenableng pag-unlad ng SCO.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil