X-ray satellite Einstein Probe, inilunsad ng Tsina para sa obserbasyon ng violent cosmic phenomena

2024-01-10 15:14:03  CMG
Share with:

Xichang Satellite Launch Center sa timog kanlurang Tsina - Sakay ng Long March-2C carrier rocket, matagumpay na inilunsad Martes, Enero 9, 2024 ng Tsina ang makabagong X-ray satellite na “Einstein Probe” sa nakatakdang orbita.

 


Misyon ng nasabing probe na obserbahan ang distant flashes sa cosmic events.

 

Ito ang ika-506 misyong isinabalikat ng Long March series.

 


May 5 taong nakadisenyong buhay, gagamitin ng probe ang paraan ng astronomical time-domain observation, at isasagawa ang high-sensitivity real-time dynamic sky survey monitoring sa soft X-ray band.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio