Idinaos Hulyo 4, 2024, sa Astana, Kazakhstan, ang pinalawak na pulong ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), o SCO Plus Meeting.
Sa kanyang talumpati sa pulong, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para itatag ang pinagbabahaginang tahanan na may pagkakaisa at pagtitiwalaan, kapayapaan at katahimikan, kasaganaan at kaunlaran, matalik na pagkakapitbansa at pagkakaibigan, at pagkakapantay-pantay at katarungan.
Sinabi rin niyang, sa harap ng kasalukuyang kalagayan ng daigdig, dapat itaguyod ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, igiit ang Diwa ng Shanghai na nagtatampok sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggalang sa dibersidad ng sibilisasyon, at komong kaunlaran, at pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa.
Dumalo rin sa nabanggit na pulong ang mga lider o kinatawan ng iba pang mga kasaping bansa ng SCO na kinabibilangan ng Kazakhstan, Belarus, Kyrgyzstan, Pakistan, Rusya, Tajikistan, Uzbekistan, Iran, at India, bansang tagamasid ng SCO na ang Mongolia, mga panauhing bansa na gaya ng Azerbaijan, Qatar, UAE, Turkiye, at Turkemanistan, at mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig na gaya ng United Nations.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos