Xi Jinping, ginawaran ng honoraryong titulo ang isang army company

2024-07-10 11:22:48  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Hulyo 9, 2024 sa Beijing ang seremonya ng paggawad ng honoraryong titulo ng "Model Rocket Artillery Company" sa isang army company ng People's Liberation Army (PLA).

 

Dumalo sa seremonyang ito si Xi Jinping, Pangulong Tsino at Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC) at nagbigay siya mismo ng bandila ng karangalan sa nasabing army company.

Sa parehong araw, idinaos ang seremonya ng pagpapataas ng ranggong heneral, pinakamataas na ranggo, sa isang opisyal na militar ng PLA.

 

Bukod dito, iniutos din ni Xi ang paggawad ng mga karangalan sa iba pang mga tropa at opisyal ng PLA.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil