Bilang tugon sa buong tigas na paglalagda ng panig Amerikano at pagiging batas ng umano’y “"Promoting a Resolution to the Tibet-China Dispute Act," inihayag ng Komite ng Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang buong tatag na pagtutol at mahigpit na kondemnasyon tungkol dito.
Ipinahayag ng panig Tsino na nilabag ng nasabing act ang palagiang posisyon at pangako ng pamahalaang Amerikano, nilabag ang pandaigdigang batas at pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon, walang galang na nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina, grabeng nakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, at inilabas ang grabe at maling senyal sa puwersang “naninindigan sa pagsasarili ng Xizang.”
Mula sa sinaunang panahaon, ang Xizang ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng banal na teritoryo ng Tsina, ang suliranin ng Xizang ay purong suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang panghihimasok dito ng anumang puwersang dayuhan, saad ng panig Tsino.
Salin: Lito
Pulido: Ramil