White paper hinggil sa mga polisya ng CPC sa pangangasiwa sa Xizang sa makabagong panahon, inilabas ng Tsina

2023-11-10 15:37:06  CMG
Share with:

Inilabas Biyernes, Nobyembre 10, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa mga polisya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pangangasiwa sa Rehiyong Awtonomo ng Xizang sa makabagong panahon.

 

Ayon sa nasabing white paper na pinamagatang "CPC Policies on the Governance of Xizang in the New Era: Approach and Achievements," ang mga alituntunin ng CPC sa pangangasiwa sa Xizang sa makabagong panahon ay nagbunga ng all-round progress at historikal na tagumpay ng iba’t ibang usapin ng rehiyon.

 

Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2021, nakaranas ang Xizang ng isang panahon ng walang katulad sa kasaysayan na pag-unlad at napakalaking pagbabago, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan, anang white paper.

 


Tinukoy ng dokumentong ito na ang mga alituntunin ay paglagom ng natamong tagumpay ng CPC sa pagpapatatag ng Xizang at plano nito para sa pag-unlad ng rehiyon sa hinaharap.

 

Ipinagkaloob ng nasabing mga alituntunin ang sagot sa isang serye ng mga tanong hinggil sa direksyon at estratehiya sa pangangasiwa sa Xizang sa hinaharap, at dapat sundin ang mga ito sa lahat ng mga usaping may kinalaman sa rehiyon, dagdag ng white paper.

 

Bukod sa isang foreword at isang konklusyon, may 6 na bahagi ang nasabing white paper, na kinabibilangan ng “Komprehensibong Pagpapatupad ng Mga Makabagong Pilosopiya ng Pag-unlad,” "Kapansin-pansing Bunga sa Kaunlarang Kultural at Etikal,” “Matibay na Progreso ng Mga Usaping Panlahi at Panrelihyon,” “Sustenable at Matatag na Kaunlarang Panlipunan,” “Mas Malakas na Eco-environmental Security Barrier,” at “Pagpapalakas ng Demokrasya at Pangangasiwa Batay sa Batas.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil