MOFA: ang mga suliranin ng Xizang ay purong suliraning panloob ng Tsina

2024-06-19 16:27:53  CMG
Share with:

Kaugnay ng gagawing pagkikita sa pagitan ng Amerikanong kongresista at ni Dalai Lama sa malapit na hinaharap at pagpasa kamakailan ng “Resolve Tibet Act” ng Kongresong Amerikano, binigyan-diin Hunyo 18, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na ang ika-14 na Dalai Lama ay isang pinalayas ng bansa na nagsasagawa ng separatistang aksyon sa katuwirang relihiyon, sa halip ng isang purong relihiyosong pigura.

 


Hinimok ni Lin ang Amerika na lubos na kilalanin ang esensya ng separatistang grupong Dalai Lama kontra Tsina, sundin ang pangako nitong kilalanin ang Xizang bilang bahagi ng Tsina at hindi suportahan ang “pagsasarili ng Xizang.”

 

Sinabi ni Lin na ang Xizang ay bahagi ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon at ang mga suliranin nito ay purong panloob ng Tsina, at hindi pinapayagan ang anumang panghihimasok mula sa mga puwersang panlabas. Isasagawa ng Tsina ang malakas at matatag na hakbangin para ipagtanggol ang sarili nitong soberanya, seguridad, at kapakanan sa pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil