Lumagda Hulyo 12, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Joe Biden ng Amerika sa “Promoting a Resolution to the Tibet-China Dispute Act” para maging batas ang act na ito.
Pinupukaw ng act ang umano’y “Greater Tibet” na nagawa ng Dalai group, at hinihiling sa pamahalaang Amerikano at “espesyal na tagapagkoodina sa mga suliranin ng Xizang” na labanan ang “disinformation about Tibet” ng pamahalaang Tsino.
Bukod pa riyan, ipinahayag ni Biden na hindi binago ng act ang bipartisan United States policy na kinikilala ang Tibet Autonomous Region at other Tibetan areas ng Tsina bilang bahagi ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nilabag ng nasabing act ang palagiang posisyon at pangako ng pamahalaang Amerikano, nilabag ang pundamental na norma ng pandaigdigang relasyon, walang galang na nanghimasok sa suliraning panloob ng Tsina, grabeng nakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, at inilabas ang grabe at maling senyal sa puwersang “naninindigan sa pagsasarili ng Xizang.”
Buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang hinggil dito, diin ng tagapagsalitang Tsino.
Salin: Lito
Pulido: Ramil