Ang reporma at pagbubukas sa labas ay isang pundamental na patakaran ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pamamahala ng bansa.
Sa pangunguna ni dating lider Deng Xiaoping ng Tsina, ito ay sinimulan noong Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 Komite Sentral ng CPC.
Samantala, sa pangungulo naman ni Pangulong Xi Jinping, ang patakarang ito ay komperhensibong pinapalim sa panahon ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC noong 2013.
Kaugnay ito, ipinahayag Disyembre 2012, ng noon ay bagong-halal na Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC na si Xi Jinping, na ang reporma at pagbubukas sa labas ay masusing hakbang para sa kapalaran ng Tsina sa modernong panahon.
Sa pamumuno ni Xi, ginawa ng Komite Sentral ng CPC ang pangkalahatang plano hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at sinimulan ang bagong panahon ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma.
Ngayong taon, muling sinabi ni Xi, na ang reporma at pagbubukas sa labas ay masusing hakbang para sa modernisasyong Tsino, at ito ay nasa isa na namang mahalagang yugto.
Dagdag niya, ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay pundamental na puwersang tagapagpasulong sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.
Sa prosesong ito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng konstruksyon ng sistema upang maitatag ang kumpleto, siyentipiko at mabisang paraan para mapataas ang lebel ng modernisasyon tungo sa mabuting pamamahala ng bansa.
Ang pagtatatag ng sistema ng pamamahala sa bansa ay tiyak na mangangailangan ng pagpapataas ng lebel ng modernisasyon ng kakayahan ng CPC, aniya.
Bilang pinakamataas na lider ng CPC, inilahad ni Xi ang patakaran ng “ganap at mahigpit na pamamahala sa Partido” at teorya ng sarilinang reporma, upang maitatag ang institusyonal na garantiya para sa pangmatagalang pamamahala sa bansa ng Komite Sentral ng CPC.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio