Nakakatawag ng pansin ng mundo ang gaganaping Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Inaasahang ilalabas sa pagtitipong ito ang komprehensibo at ibayo pang pagpapalalim ng repormang nakapokus sa pagpapasulong sa modernisasyong Tsino.
Kaugnay nito, 3 pandaigdigang sarbey ang inilunsad ng China Global Television Network ng China Media Group (CGTN-CMG), at ayon sa mga ito, halos 77% ng mga respondiyente ang naniniwalang magtatagumpay ang de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, at umaasa rin silang ibayo pang mapapalakas ng bansa ang reporma sa lahat ng aspekto, na magdudulot ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa daigdig.
Samantala, pinuri naman ng 80.3% ng respondiyente ang ekonomikong pag-unlad ng Tsina, at nananalig silang ito ay magbubunsod ng mas maraming benepisyo sa daigdig.
Ayon pa sa sarbey, 93.2% ng mga respondiyente ang naniniwalang may malakas na puwersang pansiyensiya’t panteknolohiya ng Tsina; 85.4% ang may positibong pagtasa sa napakalaking laang-gugulin at determinasyon ng Tsina sa inisyatiba ng inobasyon; at 78.5% ang nagsabing ang berdeng industrya ay magkakaloob ng malakas na suporta sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina.
Kaugnay ng bagong kalidad na produktibong puwersa, ipinalalagay ng 87.1% ng respondiyente na ito ay makakatulong sa pagpapabilis at pagpapaganda ng modernisasyong Tsino.
Sa kabilang dako, lubos na kinikilala ng 91.9% respondiyente ang ideyang Tsino, na ang kapaligiran ay hindi dapat maging sakripisyo sa kaunlaran, at pinuri nila ang kilos ng Tsina sa pagpapasulong ng may-harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Dagdag ng sarbey, umaasa ang 74% ng respondiyente na ibabahagi ng Tsina ang mas maraming karanasan sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, upang isakatuparan ang komong kaunlaran.
At sa tingin ng 81.9% ng respondiyente, maraming pagkakataon ang hatid ng Tsina, at ang pag-unlad ng bansa ay tuluy-tuloy na maghahatid ng mga pagkakataon sa buong mundo.
Kasali sa mga sarbey ang 15,037 netizen mula sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.
Kabilang dito ay mga netizen mula sa mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Espanya at Australya, at mga umuunlad na bansang gaya ng Brazil, Thailand, United Arab Emirates (UAE), Ehipto, Timog Aprika at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Sarbey ng CGTN: Ang pandaigdigang respondente ay matinding pumuna sa cyberbullying ng Amerika
Halos 90 % respondiyente ng sarbey ng CGTN, katig sa pagpapalakas ng kakayahan sa AI
CGTN Poll | 83.5 percent of global respondents applaud the Five Principles of Peaceful Coexistence
CGTN Poll: 93.1% respondente ang tutol sa paglikha ng Amerika ng “Asyanong Bersyon ng NATO”