Matatandaang noong 1979, itinayo ni Deng Xiaoping, punong tagadisenyo ng reporma at pagbubukas ng Tsina, ang unang espesyal na sonang ekonomiko sa lunsod Shenzhen, lalawigang Guangdong sa timog Tsina.
Pagkatapos ng 30 taong pag-unlad, naging pandaigdigang modernong lunsod na halos 18 milyong populasyon ang dating maliit na nayon, at ang 24.8% bahagdan ng karaniwang taunang paglago nito ay kamangha-manghang himala sa daigdig.
Ang Shenzhen ay nagsilbing kinatawan ng reporma at pagbubukas ng Tsina.
Noong Disyembre 8, 2012, naglakbay-suri sa Guangdong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at tinukoy niya na ang reporma at pagbubukas ay masusing polisya na nagpapasiya sa kapalaran ng modernong Tsina.
Hinimok din niya ang walang paghinto ang pagpapatupad ng mga hakbangin ng bansa sa reporma at pagbubukas.
Itinataguyod ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pambansang kongreso tuwing limang taon, para talakayin at pasiyahan ang mahahalagang isyu ng Partido.
Sa pagitan ng dalawang pambansang kongreso ng CPC, idinaos ang 7 sesyong plenaryo ng Komite Sentral ng CPC, upang gawin ang plano sa mga konkretong larangang gaya ng mga suliranin ng mga tauhan, lipunan, kabuhayan, at party building.
Sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 Komite Sentral ng CPC noong Disyembre ng 1978, binuksan ang makabagong kabanata ng Tsina ng pagpapasulong sa reporma sa loob at pagbubukas sa labas, at tuluy-tuloy at mabilis na umunlad ang kabuhaya’t lipunan ng bansa sapul noon.
Pagkatapos nito, tuwing ika-3 sesyong plenaryo ng Komite Sentral ng CPC, nakatutok ito sa paano palalalimin at pasusulungin ang reporma at pagbubukas.
Naging pundamental na patakaran ng CPC sa pangangasiwa sa bansa ang reporma at pagbubukas.
Sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC, sinuri at pinagtibay ang kapasiyahan hinggil sa ilang mahahalagang isyu ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma na binalangkas sa ilalim ng pamumuno ni Xi Jiping, at sinimulan ang makabagong panahon ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at pagpapasulong sa reporma sa pamamagitan ng sistematiko’t pangkalahatang disenyo.
Pinasimulan naman sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC ang pinakamalawakang reporma sa mga organo ng Partido at bansa, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas.
Sa bisperas ng gaganaping Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC sa kasalukuyang taon, nangulo at nagsuri si Pangulong Xi, kasama ng mga mangangalakal, sa ilang plano sa reporma na gaya ng mga kuru-kuro sa pagkukumpleto ng modernong sistema ng mga bahay-kalakal na may tangiang Tsino.
Iniharap niyang ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay dapat isagawa sa ilalim ng tema ng pagpapasulong sa modernisasyong Tsino, at ito ang malinaw na senyales ng gaganaping sesyong plenaryo.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Reporma ng Tsina, magbubunga ng pagkakataong pangkaunlaran sa daigdig – sarbey ng CGTN
Sariling reporma, susi para sa pagpapanatili ng kasiglahan ng CPC
Artikulo ni Xi Jinping sa mga misyon at tungkulin ng CPC, inilabas
Pagpapabuti ng sistema sa ganap at mahigpit na pangangasiwa sa Partido, ipinagdiinan ni Xi Jinping