Bilang pinakamataas na lider ng Tsina, lubos na pinahahalagahan ni Xi Jinping ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa kanyang pamumuno, naisagawa ng Tsina ang proyekto ng pamumuhay ng mga mamamayan, gaya ng pagpapahupa ng karalitaan, kung saan, halos 100 milyong mamamayan mula sa mga kanayunan ang nai-ahon mula sa ganap na karalitaan.
Ito ay isang kagila-gilalas na pangyayari sa kasaysayang pangkabuhayan ng daigdig.
Inilahad din ni Xi ang kaisipan ng pag-unlad na “nakasentro sa mga mamamayan,” na naging oriyentasyon ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina sa makabagong panahon.
Bukod dito, pinamumunuan ni Xi ang pagsasagawa ng komprehensibo at malalim na reporma sa larangan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Isinulong nitong nakaraang mahigit 10 taon, ang nasa 2,000 reporma sa iba’t-ibang larangan, gaya ng pulitika, ekonomiya, kultura, lipunan, ekolohiya, at iba pa.
Ganap nitong ipinakikita ang pagpapahalagang “nakasentro sa mga mamamayan.”
Sentro sa kaisipan ni Xi "ang pagkakaroon ng inobasyon sa buhay ng mga mamamayan."
Aniya, ang reporma para sa mga mamamayan ay repormang mayroong katuturan, at ang repormang nakabase sa puwersa ng mga mamamayan ay repormang mayroong puwersang tagapagpasulong.
Binigyan-diin ni Xi na ang pundamental na layon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay pagpapasulong ng komprehensibo at malalim na reporma, at pagpapalakas ng katarungan at katuwiran ng buong lipunan para makinabang ang lahat ng mamamayan sa bunga ng reporma at pag-unlad.
Ito ang orihinal na inspirasyon ng mga miyembro ng CPC, ito rin ang punto ng orihinal na puwersang tagapagpasulong at punto ng pagsisimula ng komprehensibo at malalim na reporma sa makabagong panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio