Artikulo ni Xi Jinping, ilalabas sa Qiushi

2024-07-15 16:03:58  CMG
Share with:

Ilalabas, Hulyo 16, 2024 sa Ika-14 na Isyu ng Qiushi Journal, opisyal na magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na pinamagatang “Dapat igiit ang kompiyansa at pagsasarili.”

 

Ani Xi, ang paglutas sa mga isyu ng Tsina ay dapat alinsunod sa saligang kalagayan ng bansa at ang pagpapasulong ng modernisasyong Tsino ay dapat alinsunod sa pagsasarili, pag-asa sa sarili at pagpapabuti sa sarili.

 

Kasunod ng pag-unlad ng sosyalismong may katangiang Tsino, ibayo pang lumilitaw ang bentahe ng sistemang sosyalista ng Tsina, dagdag niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio