Xi Jinping: ang pagbubukas sa labas ay mahalagang puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng sibilisasyon ng tao

2024-07-16 16:24:46  CMG
Share with:

Noong Abril, 2018, solemnang inilabas ni Xi Jinping, pinakamataas na lider ng Tsina, na ipinasiya ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na susuportahan nito ang lalawigang Hainan ng Tsina sa pagtatayo ng free trade pilot zone sa buong isla.

 


Palagiang isinusulong ng pagbubukas sa labas at reporma ang isa’t isa. Tinukoy ni Xi na ang pagtataguyod ng reporma at pag-unlad sa pamamagitan ng pagbubukas sa labas ay isang mahalagang paraan ng Tsina para patuloy na makamit ang mga bagong tagumpay sa pag-unlad.

 

Mula noong 2012, nananangan si Xi sa pagiging inklusibo at bukas, isinusulong ang makabagong konsepto ng “bukas na pag-unlad,” nakatutok sa pagsira ng institusyonal at mekanismong hadlang, at patuloy na itinataguyod ang institusyonal na inobasyon sa pamamagitan ng pagpapabilis ng free trade pilot zones, free trade ports, at iba pa.

 

Ang patuloy na pagpapabuti ng bagong bukas na sistemang pang-ekonomiya ng Tsina ay nagbukas ng mas malaking espasyo sa pag-unlad at nagkaloob ng mga bagong pagkakataon sa pag-unlad para sa buong mundo.

 

Mula noong bagong panahon, aktibong lumalahok ang Tsina sa pandaigdigang pamamahala sa ekonomiya at itinataguyod ang pagbuo ng magkasanib na pwersa para sa pagbubukas sa buong mundo.

 

Ang pangunahing kooperatibong inisyatiba ng “Belt and Road” na inilahad ni Xi ay patuloy na nakakapagpalawak sa komong kapakanan ng Tsina at buong daigdig.

 

Tinukoy ni Xi na “ang pagbubukas ay isang mahalagang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng sibilisasyon ng sangkatauhan, at tanging paraan para sa kaunlaran at pag-unlad ng mundo.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil