Bilang paghahanda sa Olympiyada: alkalde ng Paris, lumangoy sa Ilog Seine

2024-07-18 14:56:42  CMG
Share with:


Kaugnay ng nalalapit na Olimpiyada ng Paris, nilangoy ni Mayora Anne Hidalgo ng lunsod ang Ilog Seine, Hulyo 17, 2024 (lokal na oras) upang ipakita sa publiko ang resulta ng paglilinis ng ilog sa loob ng ilang taon.



Kasama ni Hidalgo sa "malayang paglangoy" ang pangulo ng Komiteng Tagapag-organisa ng Paris para sa 2024 Olimpiyada at Paralimpiyada, na si Tony Estanguet, at iba pa.