Idinaos ngayong umaga, Hulyo 19, 2024, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang preskon para isalaysay at ipaliwanag ang diwa ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC.
Kaugnay ng Resolusyon ng Komite Sentral ng CPC sa Ibayo pang Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma tungo sa Pagsulong ng Modernisasyong Tsino, na pinagtibay sa nabanggit na sesyon, ipinahayag ni Tang Fangyu, Pangalawang Puno ng Tanggapan ng Komite Sentral ng CPC sa Pananaliksik sa Polisya, na ang naturang resolusyon ay binubuo ng 15 bahagi at 60 artikulo, na sumasaklaw sa 3 pangunahing sektor.
Sa unang sektor, inilahad sa resolusyon ang mahalagang katuturan at pangkalahatang kahilingan ng ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma tungo sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.
Sa ikalawang sektor, komprehensibong inilatag ang mga reporma sa iba’t ibang mga larangan at aspeto.
Sa ikatlong sektor, ipinahayag ang pagpapalakas ng pamumuno ng CPC sa reporma, at pagpapalalim ng reporma sa sistema ng konstruksyon ng CPC.
Iminungkahi sa “Resolusyong” ito ang mahigit 300 mahalagang hakbangin ng reporma. Ang ilan sa mga ito ay ang pagkumpleto at pagpapataas ng mga nakaraang hakbangin sa reporma, pati na rin ang mga iniharap na makabagong hakbangin sa reporma batay sa praktika at mga pilot project.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil