Resolusyon sa ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma, pinagtibay ng Komite Sentral ng CPC

2024-07-18 17:22:16  CMG
Share with:

Ginanap sa Beijing, mula Hulyo 15 hanggang 18, 2024 ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Pinakinggan at tinalakay rito ang ulat sa mga gawain ng Pulitburo ng Komite Sentral na ginawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at pinagtibay ang Resolusyon ng nasabing Komite hinggil sa “Ibayo Pang Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma upang Pasulungin ang Modernisasyong Tsino.”

 

Sinuri sa sesyon ang mga gawain ng Pulitburo sapul nang idaos ang Ika-2 Sesyong Plenaryo at matagumpay na praktika at natamong bunga sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sa makabagong panahon.

 

Tinukoy rito, na ang pangkalahatang target ng ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay patuloy na pagkumpleto  at pagpapa-unlad ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino, at  pagpapasulong sa modernong sistema at kakayahan ng bansa sa pangangasiwa.

 

Iniharap din sa sesyon, na dapat gawing pinakamahalagang tungkulin ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalista’t modernong bansa ang de-kalidad na pag-unlad, at ang edukasyon, agham, teknolohiya, at talento ay pundamental at estratehikong suporta sa modernisasyong Tsino.

 

Ayon pa sa sesyon, ang integradong pag-unlad ng mga lunsod at nayon ay di-maiiwasang kahilingan ng modernisasyong Tsino, at ang pagbubukas ay malinaw na tatak nito.

 

Samantala, ang pagpapaunlad ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ay esensyal na kahilingan ng modernisasyong Tsino, at ang pangangasiwa alinsunod sa batas ay mahalagang garantiya.

 

Ayon pa rito, ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay mahalagang tungkulin ng modernisasyong Tsino, at ang modernisasyon ng depensa at hukbo ay mahalagang bahagi nito.

 

Ipinagdiinan din sa sesyon, na ang modernisasyong Tsino ay tumatahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio