Simposiyum hinggil sa pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, idinaos

2024-07-19 15:42:22  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas ngayong araw, Hulyo 19, 2024, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinanguluhan Mayo 20, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, ang simposiyum para likumin ang palagay at mungkahi ng mga miyembro ng non-CPC hinggil sa resolusyon ng CPC sa ibayo pang pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

Sa simposiyum, sinabi ni Xi, na ang mga mungkahi at palagay na iniharap ng mga miyembro ng non-CPC ay buong taimtim na pag-aaralan para gawin ang nabanggit na resolusyon.

 

Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng non-CPC para sa pagharap ng mga mungkahi at palagay.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil