Gaofen-11 05 satellite, matagumpay na nailunsad

2024-07-19 15:20:19  CMG
Share with:

Matagumpay na nailunsad sa kalawakan, Hulyo 17, 2024, 11:03 AM (oras ng Beijing), sa Taiyuan Satellite Launch Center ng Tsina ang Gaofen-11 05, isang bagong earth observation satellite, gamit ang Long March 4B raket at matagumpay din itong nakapasok sa planadong orbita.



Magbibigay ang satellite ng suportang impormasyon para sa pagpapatupad ng Belt and Road Initiative at modernisasyon ng pambansang depensa.