Pang-estadong burol at libing, idaraos para sa yumaong pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng CPV

2024-07-21 18:59:22  CMG
Share with:

 

Ayon sa espesyal na pahayag na inilabas Hulyo 20, 2024, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), Pambansang Asembleya, Pangulo ng Estado at Pamahalaan ng Vietnam, at Komite Sentral ng Vietnam Fatherland Front, idaraos sa Hulyo 25 at 26 ang state funeral para kay Nguyen Phu Trong, yumaong Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV.

 

Idaraos sa Hulyo 25 at 26 ang seremonya ng pagluluksa, isasagawa ang serbiyo ng pag-ala-ala sa Hulyo 26, at paglilibing sa parehong araw.

 

Dagdag pa riyan, itatakda sa Hulyo 25 at 26 ang dalawang araw ng pagdadalamhati ng Biyetnam, ilalagay sa kalahating tagdan ang pambansang watawat sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at lugar-pampubliko, at ititigil ang lahat ng pampublikong pagtitipon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan