Sinabi, Hulyo 22, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina, na narating ng Tsina at Pilipinas ang pansamantalang areglo, para makontrol ang kalagayan sa Ren’ai Jiao.
Unang-una, binigyang-diin ng naturang ministri, na ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, at ang Tsina ay mayroong soberanya sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at mga dagat sa paligid nito.
Kaugnay ng kasalukuyang situwasyon sa nasabing isla, sinabi ng ministri na may tatlong prinsipyo at paninindigan ang bansa:
Una, ang pangmatagalang “nakasadsad” na “bapor-pandigma” ng Pilipinas ay lapastangan sa soberanya ng Tsina, at labag sa kinauukulang regulasyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), partikular sa artikulo 5 na nagsasabing ang mga partido ay hindi dapat magtayo ng establisyemento sa mga walang nakatirang isla at bahura.
Iginigiit anito ng Tsina ang kahilingan sa Pilipinas na alisin ang naturang bapor at ibalik ang Ren’ai Jiao sa estado ng walang panirahan.
Ikalawa, kung kailangang magdala ng suplay sa mga sundalo sa BRP Siera Madre, nakahandang pahintulutan ng Tsina ang pagdadala ng suplay pagkatapos ng maagang pagpapaalam ng Pilipinas sa Tsina.
Kailangan ding inspeksyonin ng mga tauhang Tsino ang mga suplay na idadala sa BRP Siera Madre, at susubaybayan ng Tsina ang buong proseso ng pagsulay.
Ikatlo, kung ihahatid ng Pilipinas ang maraming pangkonstruksyong materyal sa BRP Siera Madre upang palakasin ang pasilidad at magtayo ng permanenteng outpost, hindi ito papayagan.
Matatag itong pipigilan, ailnsunod sa batas at regulasyon, para mapangalagaan ang soberanya ng Tsina at alituntunin ng DOC.
Batay sa naturang tatlong prinsipyo at paninidigan, nagsanggunian kamakailan ang Tsina at Pilipinas hinggil sa pagkontrol sa kalagayan ng Ren’ai Jiao, at narating ang pansamantalang areglo sa paghahatid ng makataong materyal.
Sumang-ayon din ang dalawang panig sa magkasamang pagkontrol sa pagkakaiba para mapahupa ang tensyon sa South China Sea (SCS).
Salin:Sarah
Pulido:Rhio