Kaugnay ng separatistang pananalita kamakailan ni Lai Ching-te, lider ng rehiyong Taiwan, ipinahayag Hulyo 22, 2024, ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa Mga Suliranin ng Taiwan, na muling nagpapakita ito ng kanyang likas na pagkatao bilang sutil na tagapagtaguyod at salarin sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Sinabi ni Chen na ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, hindi kailanman naging at hindi kailanman magiging isang bansa.
Aniya, binabalewala ng awtoridad ng Taiwan's Democratic Progressive Party (DPP) ang kasaysayan, realidad at kalooban ng publiko, na matigas na nananatili sa separatistang paninindigan ng “pagsasarili ng Taiwan,” at tinalikuran ang prinsipyong isang-Tsina, na nagdulot ng pagtaas ng tensyon sa Taiwan Strait.
Nanawagan si Chen sa mga kabaybayan sa magkabilang pampang na buong tatag na tutulan ang mga probokatibong aktibidad ng paghahanap ng “pagsasarili ng Taiwan” na isinusulong ni Lai at awtoridad ng DPP at aktibong lumahok sa usapin ng pagpapasulong ng mapayapang unipikasyon ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil