Ayon sa estadistikal na ulat hinggil sa pagpapatupad ng pambansang pondo sa edukasyon noong 2023 na ipinalabs Hulyo 22, 2024 ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, umabot sa 6.45 trilyong yuan RMB ang kabuuang pondo na inilaan ng buong bansa sa edukasyon noong isang taon. Ito ay mas malaki ng 5.3% kumpara sa taong 2022.
Kabilang dito, 5.04 trilyong yuan RMB ang state budgetary funds for education na mas malaki ng 4.0% kumpara sa 2022.
Noong 2023, ang kabuuang pondo ng bansa para sa preschool education, compulsory education, mataas na paaralan, at kolehiyo ay magkakahiwalay na umabot sa 538.2 bilyong yuan, 2.84 trilyong yuan, 1.01 trilyong yuan, at 1.76 trilyong yuan RMB.
Ang mga ito ay magkakasunod na lumaki ng 4.7%, 6.0%, 6.2%, at 7.6%, kumpara sa 2022.
Salin: Zheng Zihang
Pulido: Ramil
Propesor ng Tsinghua University, inenkorahe ni Xi Jinping na mag-ambag sa edukasyon at agham
Pagpapalitan at kooperasyon ng mga pamantasan ng Tsina at Amerika, inenkorahe ni Xi Jinping
Instruksyon sa pagpapaunlad ng edukasyong ideolohikal at pulitikal, inihayag ni Xi Jinping
Tsina, patuloy na susuportahan ang edukasyon ng wikang Tsino sa daigdig — Ding Xuexiang