Ipinahayag Hulyo 22, 2024, ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas na ang Pilipinas at Tsina ay umabot sa isang kasunduang hindi ikokompromiso ang kani-kanilang posisyon. Patuloy aniyang pangangalagaan ng Pilipinas ang karapatan at hurisdiksyon nito sa dagat at nakahandang ipatupad ang kasunduan na narating ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 23, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na batay sa posisyong tatlong-puntong prinsipyo sa pagharap ng kasalukuyang sitwasyon sa Ren’ai Jiao, narating ng Tsina at Pilipinas ang pansamantalang kasunduan hinggil sa paghahatid ng makataong materyales, at ito ang positibong pagsisikap ng Tsina para pangasiwaan at kontrolin ang situwasyong pandagat.
Patuloy aniyang matatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya, karapatan at interes ng bansa.
Umaasa ang panig Tsino na ang mga pananalita at kilos ng Pilipinas ay hindi pabago-bago at hindi gagawa ng anumang aksyong magpapagulo ng sitwasyon, dagdag pa ni Mao.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil