Plataporma at pagkakataon sa pagkakasundo, ipagkakaloob ng Tsina sa mga paksyon ng Palestina

2024-07-17 16:18:16  CMG
Share with:

Inihayag Hulyo 16, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng panig Tsino na magkaloob ng plataporma at lumikha ng kondisyon para sa pagkakaroon ng mediyasyon ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina.


Napapanahon aniyang ilalabas ng Tsina ang mga kaukulang impormasyon.


Diin ni Lin, "palaging suportado ng Tsina ang mga paksyon ng Palestina sa kanilang pagkakamit ng pagkakasundo at pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-uusap at konsultasyon.”


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Rhio