Mga FM ng Tsina at Ukraine, nag-usap

2024-07-24 17:17:35  CMG
Share with:

Nag-usap ngayong araw, Hulyo 24, 2024, sa lunsod Guangzhou ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Dmytro Kuleba ng Ukraine.

 


Sinabi ni Wang na ang Tsina at Ukraine ay magkaibigang bansa. Binigyan-diin ng mga lider ng dalawang bansa na dapat tingnan at balangkasin ang relasyon ng dalawang bansa sa matagalang angkulo para pasulungin ang relasyon ng Tsina at Ukraine at bilateral na kooperasyon. Dapat sundin ng dalawang panig ang konsensus ng mga lider ng dalawang bansa, panatilihin ang komunikasyon, palalimin ang pagtitiwalaan ng isa’t isa, para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relayson ng Tsina at Ukraine.


Ipinahayag niya na sinimulan ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang bagong round ng komperhensibong pagpapalalim ng reporma. Ang komprehensibong pagpapasulong ng modernisasyong Tsino ay tiyak na makakapagbigay ng bagong pagkakataon para sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa. Dapat patingkarin ng Tsina at Ukraine ang papel ng mekanismong pangkooperasyon at palakasin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Patuloy na palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat ng pagkain-butil mula sa Ukraine.

 

Tinukoy ni Wang na sa mula’t mula pa’y, buong tatag na isinusulong ng Tsina ang paglutas ng krisis ng Ukraine sa pulitikal na paraan. Suportado ng Tsina ang lahat ng pagsisikap na makatulong sa kapayapaan, at nakahanda rin ang Tsina na patingkarin ang konstruktibong papel para sa tigil-putukan at pagpapanumbalik ng talastasan. Pinapansin ng Tsina ang makataong kalagayan ng Ukraine at patuloy na ipagkakaloob ang makataong tulong sa Ukraine.

 

Ipinahayag naman ni Kuleba na ang Tsina at Ukraine ay estratehikong magkatuwang at mahalagang kasosyo sa ekonomiya at  kalakalan. Suportado ng Ukraine ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan, patuloy na nananangan sa prinsipyong isang-Tsina. Umaasa ang Ukraine na isasakatuparan kasama ng Tsina ang mahalagang kosensus ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan na tulad ng kabuhayan at kalakalan, agrikultura.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Ukraine ang positibo at konstruktibong papel ng Tsina para sa pagpapasulong ng kapayapaan at pangangalaga sa pandaigdigang kaayusan. Pinahahalagahan ng Ukraine ang kuru-kuro ng Tsina. Nakahanda ang Ukraine na isagawa ang diyalogo at negosasyon sa Rusya.

 

Nagpalitan din ang dalawang panig ng mga kuru-kuro hinggil sa internasyonal at rehiyonal na isyu na kapuwa nila pinahahalagahan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio