Inilabas, Hulyo 10, 2024 ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit sa Washington ang deklarasyon kung saan tikis na bumabatikos sa Tsina bilang pagsuporta sa estratehiya ng Amerika sa paninikil sa Tsina.
Anang pahayag, naghahamon sa kapakanan, seguridad at halaga ng NATO ang Tsina.
Naninirang-puri rin itong ang Tsina ay “disididong tagasuporta” sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine,” at sistematikong hamon din sa trans-Atlantikong seguridad.
Hanggang sa kasalukuyan, tumatagal nang halos dalawa’t kalahating taon ang sagupaan ng Rusya at Ukraine.
Napagtanto ng parami nang paraming tao na pagkatapos ng Cold War, sa pamumuno ng Amerika, tuluy-tuloy na pinapasulong ng NATO ang ekspansyon sa Silangang Europa, at walang tigil na pinapaliit ang espasyong panseguridad ng Rusya. Ito ang tunay na ugat ng sagupaan ng Rusya at Ukraine.
Upang takpan ang sariling pananagutan sa nasabing sagupaan, nagtatangka ang NATO na ibaling ang sisi sa Tsina, sa pamamagitan ng pagluluto ng pekeng balita.
Pero napakalinaw ng katotohanan na ang Tsina ay hindi tagalikha o may kinalamang panig sa krisis ng Ukraine.
Ang nukleong paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine ay pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan at pulitikal na solusyon, at ito ay malawakang kinikilala at pinupurihan ng komunidad ng daigdig.
Bilang puno’t dulo ng sagupaan, dapat itigil ng Amerika at NATO ang pagbaling ng pananagutan sa ibang panig, at pahupain ang sitwasyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Tulad ng sabi ng panig Tsino, kung gagampanan ng lahat ng malalaking bansa ang positibong papel, sa halip ng negatibong papel, saka lamang isasakatuparan ang tigil-putukan sa pagitan ng Rusya at Ukraine sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil