Palitan ng bihag, isinagawa ng Rusya at Ukraine

2024-07-18 10:55:33  CMG
Share with:

Inanunsyo, Hulyo 17, 2024, ng Ministri ng Depensa ng Rusya na isinagawa nito ang pakikipagpalitan ng bihag sa Ukraine.


Matapos ang negosasyon, 95 Rusong bihag ng Ukraine ang nakabalik sa panig Ruso, anito.


Bilang kapalit, pinalaya rin anito ng Rusya ang 95 Ukranong bihag.