Diyalogong may temang “Global Opportunities in Deepening China’s Reform in the New Era,” ginanap sa Abu Dhabi

2024-07-24 17:14:15  CMG
Share with:

Sa ilalim ng pagtataguyod ng China Media Group (CMG), ginanap, Hulyo 23, 2024 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ang diyalogong may temang “Global Opportunities in Deepening China’s Reform in the New Era.”

 


Sa kanyang video speech sa diyalogo, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang komprehensibong pagpapalalim ng Tsina ng reporma sa makabagong panahon ay masusing hakbang ng komprehensibong pagpapasulong sa pag-ahon ng nasyon sa pamamagitan mg modernisasyong Tsino, at pagtatatag ng malakas na bansa.

 


Aniya, pasusulungin ng CMG ang pagpapalitang tao-sa-tao, isasagawa ang malawakang kooperasyon sa mga organong kultural, organisasyong pandaigdig, at mga think tank ng iba’t ibang bansa, upang talakayin ang pagbabahagi ng mga pagkakataong pandaigdig na dulot ng pagpapalalim ng Tsina ng reporma sa makabagong panahon, at gawin ang mas malaking ambag sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng daigdig na may kapayapaan, kaunlaran, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at komong kasaganaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil