Inilabas ngayong araw, Hulyo 8, 2024 ng Voice of South China Sea (VSCS) ng China Media Group (CMG) ang isang dokumentaryo hinggil sa kapaligiran ng Ren’ai Jiao.
Ang naturang dokumentaryo ay ginawa batay sa ulat na inilabas ng mga departamento ng Ministri ng Natural na Yaman ng Tsina.
Ipinadala ng Tsina noong Abril ang isang grupo ng imbestigador sa ekolohikal na kapaligiran ng dagat na binubuo ng mga siyentista para sa dalawang buwang pananaliksik sa kapaligiran ng Ren’ai Jiao.
Ayon sa resulta, malubhang nakapinsala sa ekolohikal na sistema ng mga bahura sa Ren’ai Jiao ang mga aktibidad ng tao sa BRP Sierra Madre na sadyang isinadsad dito noong 1999.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio