Sa pagpasok ng kalagitnaan ng tag-init, nagiging makulay ang tanawin sa bayang Zhaosu ng Prepekturang Yili ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, gawing hilagang-kaluran ng Tsina.
Dahil sa hustong dami ng ulan at mainam na temperatura rito tuwing tag-init, mabilis na lumalago ang mga halaman gaya ng damo, rape flower, purple perilla, at iba pa.
Ang luntiang pastulan, malaputing bundok ng niyebe, makukulay na mga bulaklak, dumadaloy na mga sapa’t ilog, at pinapastol na mga kabayo naman ay magkakasamang bumubuo ng katangi-tanging tanawin dito sa panahong ito.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil