Kasunduan ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina, pinapurihan ng AL

2024-07-25 16:38:01  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 24, 2024, ni Saeed Abu Ali, Assistant Secretary-general for Palestine and Occupied Arab Territories Affairs ng Arab League (AL), ang malugod pagtanggap sa pagkakalagda ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina sa kasunduang magwawakas sa pagkakawatak-watak at magpapalakas ng pambansang pagkakaisa ng Palestina, na tinatawag din bilang “Beijing Declaration.”

 

Aniya, ang suporta ng Tsina sa usapin ng Palestina, ay nagpapakita ng lalim at lakas ng relasyon nito at mga bansang Arabe.

 

Mataas na pinahahalagahan ng AL ang suporta, pagsisikap at mungkahi ng lider ng Tsina para sa karapatan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Palestina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio