Nobenta’y dos punto otsenta’y uno porsiyento (92.81%) ng mga respondiyente ng sarbey ng China Global Television Network (CGTN) ang hanga sa papel na ginampanan ng Tsina tungo sa rekonsilyasyon ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina.
Naniniwala silang ang pangyayaring ito ay pagkatig sa karatapan ng mga mamamayang Palestino sa pagkakaroon ng sariling estado.
Ayon pa sa kanila, ang mga hakbang ng Tsina ay modelo sa paglutas ng mga hidwaan at pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ipinalalagay naman ng 87.23% na ang rekonsilyasyon ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina ay nakakabuti sa paglutas sa sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel sa lalong madaling panahon, at pagpapasulong ng katatagan at kapayapaan sa Gitnang-silangan.
Ang nabanggit na sarbey ay isinagawa ng CGTN sa wikang Ingles, Pranses, Espanyol, Ruso, at Arabe, na nilahukan ng 10,592 respondiyente mula sa iba’t-ibang bansa ng daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio