Ilang araw pagkatapos ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), bumisita sa Tsina ang isang delegasyon ng mga Amerikanong ehekutibo mula sa mga kumpanyang Fedex, Goldman Sachs, Boeing, Micron Technology, at iba pa.
Inilarawan sa naturang sesyon ang bagong blueprint ng reporma at pagbubukas sa labas at ipinakita sa buong mundo ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak nito. Nilalayon din ng pagbisita sa Tsina ng delegasyong Amerikanong ehekutibo na malaman ang bagong impormasyon tungkol sa higit pang pagpapalalim ng reporma ng Tsina sa lalong madaling panahon.
Gaya nga ng sinabi nila, malugod nilang tinatanggap ang mahalagang senyal na ipinadala ng ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-20 Komite Sentral ng CPC para ibayo pang palalimin ang reporma, aasahan na ito ay magtutulak ng bagong round ng reporma sa ekonomiya at palalawagin ang pagbubukas sa labas ng Tsina, at hihikayatin ang mas maraming sustenableng puhunang dayuhan.
Ayon sa pinakahuling datos, ipinapakita dito na ang ekonomiya ng Tsina ay patuloy na bumabangon, ang gross domestic product (GDP) ng Tsina noong unang hati ng taong ito ay umabot sa 61.7 trilyong yuan RMB, isang taon-sa-taon na paglaki ng 5.0%. Samakatwid, kumpiyansa ang mga pinuno ng mga kumpanyang Amerikano na makipagtulungan sa Tsina.
Sa inilabas na mga patakaran ng nabanggit na sesyon, isa ang nagsasabing batay sa bentaheng dulot ng napakalaking merkado, palalakasin ng Tsina ang kakayahan sa pagbubukas sa labas, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kooperasyong pandaigdig. Ibig sabihin, para sa pagbubukas sa labas ng Tsina, ang merkado ay batayan at ang kooperasyon naman ay paraan. Ang dalawang elementong ito rin ay pangunahing salik sa pang-aakit ng puhunang dayuhan.
Mula sa pagbisita ng mga pinuno ng Amerikanong negosyante sa Tsina, makikita dito na umaasa pa rin ang komunidad ng Amerikanong negosyo na aktibong makikipagtulungan sa Tsina. Muling pinapatunayan nito ang “decoupling at pagputol ng kadena” ay hindi magdadala ng anumang benepisyo.
Magdudulot ng oportunidad ang pag-unlad ng Tsina sa buong mundo. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagpapalitan sa lahat ng bansa sa mundo batay sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa para magkatuwang na maisakatuparan ang modernisasyon ng mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio