Sa Resolusyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ibayo pang Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma tungo sa Pagsulong ng Modernisasyong Tsino, malinaw na iniharap ang paggigiit sa pagbubukas at itinakda ang mga hakbangin para rito.
Ito ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa daigdig.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng pandaigdigang kabuhayan ang mga hamong tulad ng proteksyonismong pangkalakalan at unilateralismo.
Kaya ang paggigiit ng Tsina sa pagbubukas ay nakakatulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Ang merkadong Tsino ay isang napakalaking pamilihan at ang pagpapalawak ng pagbubukas ay nagkakaloob din ng maraming pagkakataon para sa mga transnasyonal na kompanya.
Kasabay nito, iniharap ng nasabing resolusyon ang pagpapabuti ng mga sistema at tadhana para mapadali ang pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa Tsina ng mga dayuhang kompanya.
Upang ganap na mapabuti ang pagbubukas sa labas, kinabibilangan ding lumahok ang Tsina sa konstruksyon ng kabuhayan ng ibang bansa. Halimbawa, kalahok sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) ang mahigit 100 bansa at 30 pandaigdigang organisasyon.
Sa resolusyong ito, iniharap ng Tsina na ibayo pang pasusulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng BRI.
Ito ay magpapasigla ng kabuhayang pandaigdig.
Masasabing ang pagbubukas ng Tsina ay hindi lamang paghahanap ng sariling kapakanan, kundi nagdudulot din ng pagkakataon ng pag-unlad sa buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio