Ika-8 China-South Asia Expo, ipininid

2024-07-29 16:10:26  CMG
Share with:

Ipininid, Hulyo 28, 2024, sa lunsod Kunming ng lalawigang Yunnan, gawing timog kanluran ng Tsina ang 6-araw na Ika-8 China-South Asia Expo.

 

Narating sa panahon ng ekspo ang mga proyekto ng pamumuhunan at kooperasyon na nagkakahalaga ng mahigit sa 10 bilyong yuan RMB sa kabuuan.

 

Samantala, hanggang Hulyo 27, lampas sa 8 bilyong yuan RMB ang halaga ng mga nilagdaang kontrata sa kalakalang panloob at panlabas, at nasa 500 milyong yuan RMB naman ang online at on-site na benta.

 

Lumahok sa ekspo ang 82 bansa, rehiyon at pandaigdigang organisasyon, at kalahati ng mahigit 2,000 na kalahok na kompanya ay galing sa labas ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio