Binuksan, Hulyo 23, 2024 sa Kunming, lalawigang Yunnan ng Tsina ang 6-araw na Ika-8 China-South Asia Expo.
Dumalo sa kasalukuyang ekspo ang 82 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig.
Kasali rin dito ang mahigit 2,000 bahay-kalakal, at halos kalahati sa kanila ay sa labas ng bansa, na kinabibilangan ng lahat ng mga bansa sa Timog Asya at Timog-silangang Asya.
Komprehensibong itinatanghal sa ekspong ito ang mga industriya na may kalakihang potensyal sa kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at mga bansa ng Timog Asya, na gaya ng berdeng enerhiya, modernong agrikultura, medisina at kalusugan, kultura, turismo at iba pa.
Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, halos 200 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa ng Timog Asya noong 2023, at ito ay dobleng lumago kumpara sa panahon ng pagdaraos ng unang China-South Asia Expo noong 2013.
Salin: Vera
Pulido: Ramil