Malaysia, nagprisintang sumali sa BRICS

2024-07-29 16:08:34  CMG
Share with:

Ini-ulat ng Bernama, pambansang ahensya ng pagbabalita ng Malaysia, na sinabi, Hulyo 28, 2024 ni Punong Ministro Anwar Ibrahim ng bansa, na nagprisinta na ang Malaysia na sumali ng BRICS, intergobyernong organisasyon ng mga bansa ng bagong sibol na merkado, na mayroon nang siyam na miyembro sa kasalukuyan.

 

Aniya, ipinadala na ng Malaysia ang liham ng aplikasyon sa Rusya, rotating chair ng BRICS.

 

Nakasaad aniya sa liham, na nais ng Malaysia na sumali ng BRICS bilang miyembro o estratehikong partner.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio