Premyer Tsino at Punong Ministro ng Italya, nag-usap

2024-07-29 13:12:56  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Hulyo 28, 2024 sa Beijing nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Giorgia Meloni ng Italya, sinabi ng premyer Tsino, na kasama ng Italya, nakahanda ang Tsina na ipatupad ang mahahalagang komong palagay, ipagpatuloy at patingkarin ang pagkakaibigan, at komprehensibong pasulungin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan para makinabang ang mga Tsino at Italyano.

 

Umaasa aniya ang Tsina, na obdyektibo’t makatuwirang pakikitunguhan ng Unyong Europeo (EU) ang pag-unlad ng Tsina, igigiit ang katayuan bilang partner ng Tsina, at palalalimin ang diyalogo at kooperasyon para isulong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at EU at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon.

 

Ipinahayag naman ni Meloni na pinasusulong ng kanyang bansa ang pangmatagalan, matatag at mainam na relasyon sa Tsina.

 

Kasama ng panig Tsino, palalalimin aniya ng Italya ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Sinabi pa niyang nakahanda ang Italya na gumanap ng positibong papel sa matapat na diyalogo at matatag na partnership sa pagitan ng Tsina at EU.

 

Matapos ang pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio