Binuksan kamakailan ang taunang Pestibal ng Sulo o Torch Festival sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture, lalawigang Sichuan, dakong timog-kanluran ng Tsina.
Isa sa mga pinakamahalagang tradisyunal na pagdiriwang ng grupong etnikong yi ng Tsina ang Pestibal ng Sulo.
Karaniwan itong tumatapat sa ika-24 o ika-25 araw ng ika-6 na buwan ng tradisyunal na kalendaryong Tsino (Hulyo 29 o 30 ngayong taon), na ipinagdiriwang sa iba’t-ibang lugar ng magkakaibang oras.
Sa panahon ng naturang pestibal, ang mga tao ay nakasuot ng kanilang tradisyunal na kasuotan, gumagawa ng siga at nagsisindi ng mga sulo, at nakikilahok sa iba't-ibang masisiglang aktibidad na gaya ng katutubong isports, pag-awit at pagsasayaw, at nagsasaya sa masayang atmospera ng karnibal.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil