Pulong Ministeryal sa Diplomasya at Depensa ng Hapon at Amerika sa Iikura Guest House, Tokyo
Kaugnay ng pahayag kamakailan ng pamahalaang Hapones tungkol sa Tsina sa panahon ng Pulong Ministeryal sa Diplomasya at Depensa ng Hapon at Amerika, Pulong Ministeryal ng Hapon at Amerika sa “pinalawig na deterensya,” at Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Quad, ipinatawag Hulyo 30, 2024 ni Liu Jinsong, Direktor-heneral ng Departamento ng mga Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina, si Yokochi Akira, Unang Ministro ng Embahadang Hapones sa Tsina para iharap ang solemnang representasyon at ihayag ang lubos na pagkabahala at matinding kawalang-kasiyahan.
Tinukoy ni Liu na ang pagdungis at pag-atake ng panig Hapones sa panig Tsino ay salungat sa ginawa nitong posisyon sa pagsusulong ng estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng kapuwa bansa.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na magkaroon ng obdiyektibo at rasyonal na kaalaman sa Tsina, itigil ang paglalabas ng haka-haka sa mga suliraning panloob ng Tsina, at itakwil ang pagbuo, kasama ng ilang bansa, ng “clique” upang sulsulan ang pag-a-away.
Ipinahayag naman ni Yokochi Akira na hindi nagbabago ang posisyong Hapones sa paghawak sa isyu ng Taiwan alinsunod sa magkasanib na pahayag ng Hapon at Tsina noong 1972.
Nakahanda aniya ang panig Hapones na pasulungin ang estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan kasama ang panig Tsino.
Salin: Frank
Pulido: Rhio