Tsina, mahigpit na tinututulan ang Defense of Japan 2024 white paper

2024-07-19 17:12:06  CMG
Share with:

Pinagtibay noong Hulyo 12, 2024, ng Hapon ang Defense of Japan 2024 white paper na nagsasabing ang Tsina ay “walang katulad na pinakamalaking estratehikong hamon" para sa Hapon.

 

Kaugnay nito, sinabi Hulyo 18, 2024, ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nililigaw ng naturang bagong white paper ng Hapon ang mga mamamayang Hapones at internasyonal na komunidad at gumagawa ng dahilan para sa pagpapalawig ng militar nito.

 

Ani Zhang, mahigpit itong tinututulan ng Tsina at inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Hapon.

 

Sinabi niya na ang Tsina ay palagiang isang puwersa para sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad sa buong mundo.

 

Hinimok ng Tsina ang Hapon na itigil ang pannirang-puri sa Tsina at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at kunin ang tiwala ng mga kapitbansa nito sa Asya at international na komunidad na may praktikal na aksyon sa larangang seguridad ng militar, dagdag pa ni Zhang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil