Umabot sa 378,000 ang patente ng epektibong imbensyon ng Tsina sa artificial intelligence (AI) sa katapusan ng 2023, na kumakatawan sa higit 40% pagtaas kumpara sa parehong panahon ng tinalikdang taon.
Ito ang inihayag Hulyo 29, 2024 ng China National Intellectual Property Administration (CNIPA).
Anito, ang nasabing datos ay mas mataas din ng 1.4 beses kaysa sa pandaigdigang pangkalahatang-bilang.
Ipinakikita ng industriya ng AI ng Tsina ang masiglang inobasyon sa didyital na ekonomiya, saad ng CNIPA .
Noong nakaraang taon, 10% ang nai-ambag ng didyital na ekonomiya sa GDP ng bansa.