Halos 90 % respondiyente ng sarbey ng CGTN, katig sa pagpapalakas ng kakayahan sa AI

2024-07-04 15:11:25  CMG
Share with:

Matapos pagtibayin ng Ika-78 Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA), Hulyo 1, 2024 ang panukala ng Tsina hinggil sa pandaigdigang kooperasyon sa pagpapalakas ng kakayahan sa artificial intelligence (AI), isang sarbey ang ginawa ng China Global Television Network (CGTN).

 

Ayon dito, halos 90% ng mga respondiyente mula sa buong daigdig ang kumakatig sa paninindigang Tsino, na nagsusulong sa pagpapa-unlad ng AI batay sa prinsipyo ng pagbibigay ng benepisyo sa sangkatauhan at nagpapa-unlad sa intelihensiya.

 

Ang nabanggit na sarbey ay isinagawa sa limang lengguwahe na kinabibilangan ng Ingles, Pranses, Espanyol, Arabe at Ruso at nilahukan ng 9,481 respondiyente sa buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio