(L-R) Lloyd James Austin, secretary of defense of the United States, Antony Blinken, secretary of state of the United States, Yoko Kamikawa, Japanese foreign minister, and Minoru Kihara, Japanese defense minister, attend a joint press conference after Japan-U.S. Security Consultative Committee meeting at Iikura Guest House, Tokyo, Japan, July 28, 2024.
Sa magkasanib na pahayag na inilabas kamakailan, matapos ang pulong ng mga opisyal sa diplomasya at depensa ng Hapon at Amerika, tiniyak ng kapuwa bansa na ibayo pang palalakasin ang kanilang kooperasyong militar, bagay na nakakatawag ng malawakang pansin ng opinyong publiko sa daigdig.
Ayon sa sarbey na inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG), higit 81.6% ng mga respondiyente sa buong mundo ang naniniwalang ang military clique ng Hapon at Amerika ay nagsisilbing bagong hamon sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, at dapat itong subaybayan maigi ng komunidad ng daigdig.
Sapul nang umakyat sa poder ang pamahalaan ni Fumio Kishida, walang patid na pinalalakas ng Hapon ang alyansang militar sa Amerika upang isakatuparan ang “military relaxation” sa Konstitusyon ng bansa, sa pamamagitan ng pagsuporta sa “estratehiya sa Indo-Pasipiko” ng Amerika.
Sa ilalim ng panunulsol at pahintulot ng Amerika, umabot sa higit 7.9 trilyong yen ang badyet-pandepensa ng Hapon sa piskal na taong 2024 – bagong rekord sa kasaysayan.
Ayon pa sa sarbey, higit 90.3% respondente ang naniniwala, na tumatahak ang Hapon sa mapanganib na landas, na taliwas sa Mapayapang Konstitusyong nito.
Samantala, lubos na ikinalulungkot ng higit 87.7% respondiyente ang pagsunod ng Hapon sa Amerika sa isyung diplomatiko at panseguridad.
Nababahala sila sa maaaring maging pagkasira sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko at pagpasidhi ng bloc confrontation sa rehiyon dahil sa nabanggit na hakbang.
Samantala, sa magkasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng nasabing pulong ng Hapon at Amerika, patuloy nilang pinupukaw ang ideyang “banta mula sa Tsina,” at inihayag ang “matinding pagtutol” dito.
Ipinangalandakan din nila ang umano’y “pang-a-amba at probokatibong aksyon” ng Tsina sa South China Sea (SCS).
Kaugnay nito, higit 87.8% respondiyente ng sarbey ang tumutol.
Anila, bilang bansa sa labas Timog-silangang Asya, ang panghihimasok ng Hapon sa isyu ng SCS ay magpapasalimuot lamang sa situwasyong panrehiyon, at hindi ito makakatulong sa paglutas sa problema.
Nanawagan din ang higit 87.9% respondiyente sa pamahalaang Hapones na ipakita ang karapat-dapat na estratehikong independensiya at balangkasin ang patakarang panlabas na angkop sa sariling kapakanang pang-estado upang makuha ang tiwala ng mga kapitbansa at komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ang naturang sarbey ay ipinalabas sa 5 magkakaibang istasyong pangwika ng CGTN na gaya ng Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe, at Ruso.
Sa loob ng 24 oras, 7,254 na respondiyente ang bumoto at nagkomento.
Salin: Frank
Pulido: Rhio